LRB Youth at SK Sta. Lucia, nakilahok sa Unity Walk sa pagsuporta kay VP Leni sa Halalan 2022

by Bojo Saclolo | February 07, 2022 | Kaganapan

Share:

Sumali ang LRB Youth at Sangguniang Kabataan- Sta. Lucia (SK Sta. Lucia) sa Unity Walk noong ika-anim ng Pebrero upang magpakita ng suporta kay bise presidente Leni Robredo sa pagtakbo niya bilang susunod na pangulo ng bansa.

Naglakad ang mga nakilahok mula Pasig Rainforest Park hanggang Plaza Bonifacio kung saan makikita silang may dala-dalang mga poster at nakasuot ng mga pink na t-shirt o face mask. Naniniwala ang mga dumalo na si Robredo ang magdadala ng mga mabubuting pagbabago sa bansa na may pagmamahal sa mga mahihirap.

Ani pa nila, hindi raw hadlang ang anumang pangbabatikos na ibinabato kay Robredo upang magbago ang kanilang desisyon na suportahan siya. Malinaw na raw sa kanila na kaya niyang baguhin ang sitwasyon ngayon ng bansa.


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.