SK Sports Tournament 2022, nagsimula na

by Alex Hector Camral | July 30, 2022 | Mabuting Kalusugan at Maayos na Pamumuhay

Share:

Nagsimula na ang Sports Tournament ng Sangguniang Kabataan (SK)- Sta. Lucia noong ika-12 ng Hulyo, 2022 sa Countryside Sta. Lucia.

Ang opening ceremony at pinangunahan nina SK Chairman Patty Pineda, mga SK Kagawad, at mga SK Youth Volunteers. 

Dumalo ang iba’t-ibang kabataang manlalaro mula sa baranggay. Mayroong 38 teams na nakilahok sa basketball, 8 teams, para sa volleyball, at 8 teams din para sa sepak takraw.

Ipinangako naman ng SK Council na mas pagtutuunan pa daw nilang palakasin at payabungin ang mga talento at kakayahan ng kabataang Lucians.


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.