APOAMF nagpakita ng suporta kay VP Leni sa PasigLaban

by Ivyrose Igup | May 05, 2022

Share:

Nakilahok ang APOAMF sa iginanap na PasigLaban Grand Rally sa Pasig City noong ika-20 ng Marso 2022. Isa sila sa mga organisasyong nagpapakita ng suporta kay bise presidente Leni Robredo at senador Kiko Pangilinan sa pagtakbo nila bilang susunod na presidente at bise presidente ng bansa.

“Mahalaga na maipakita ang supporta kay VP Leni para sa ganoon, makita ng ibang tao na marami ang taong naniniwala kay VP Leni. Ang pagsuporta ng samahan kay VP Leni ay dahil sa mga adbokasiya sa pabahay ng Urban Poor. Ito ang naging dahilan naniniwala sila na si VP Leni ang nakakaintindi at makakatugon kung ito ay mananalo bilang Pangulo,” sabi ni Rosemarie Aquino, head ng transformative politics committee ng APOAMF.

Dagdag pa niya, nag-house-to-house na rin ang asosasyon para ikampanya si VP Leni. Nangako na rin si VP Leni na maglalaan siya ng P80 milyong pondo para sa sewage treatment plant (STP) renovation sa LRB, at tatalakayin din ang usapin ng monthly amortization sa pabahay na makakagaan sa mga pamilya.

Mga miyembro ng APOAMF na naglalakad patungo sa venue ng PasigLaban. (Kuha ni: Ivyrose Igup)

UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.