APOAMF Youth, nakilahok sa PasigLaban Grand Rally

by Bojo Saclolo | May 01, 2022

Dumalo ang mga miyembro ng APOAMF Youth sa PasigLaban Grand Rally noong ika-20 ng Marso 2022 sa Pasig City, upang magpakita ng suporta sa pagtakbo ni bise presidente Leni Robredo bilang susunod na pangulo ng bansa.

Kabilang sila sa 127,000 na nakilahok, base sa huling estima ng mga organizers..

Ayon sa Youth, naniniwala sila na kahit babae ang tumatakbong presidente, magagawa niya pa rin ang tungkulin niya para sa ikakaganda ng  bansa. 

Napakaraming oras ang kanilang ibinigay sa paggawa pa lang ng mga material upang sila ay mabigyang pansin. Dagdag din nila, ang tunay na paghihirap may kapalit na kaginhawaan.

Gabi ng ika-19 ng Marso ay makikitang naghahanda ng mga poster at rally materials ang APOAMF Youth para sa PasigLaban (kuha ni Bojo Saclolo).

Kwento pa ng iba na nakatagpo pa sila ng mga bagong kaibigan sa kalagitnaan ng Rally.

“Ang saya sa feeling na kunan ng litrato ang ganitong tao sapagkat hindi hadlang ang pagsuporta niya kay Leni Robredo sa paghahanap buhay niya. Kaya bilang kabataan dapat tayong pumili ng karapat dapat, wag sayangin ang boto ibigay sa tamang mamumuno," sabi ng isa sa mga kalahok.


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.