Kakulangan ng mga public space sa LRB community, hindi pa naireresolba

by Jenilyn David | October 22, 2021

ISA sa mga isyu ng Samahan ng APOAMF sa komunidad ng LRB ay ang kakulangan nito sa espasyo para sa mga gawain at recreational activity ng mga residente.

Sa taong 2020 ay naipatayo ng National Housing Authority (NHA) ang kanilang gusali na may apat na palapag sa loob ng komunidad. Ito ay gagamitin bilang opisina ng distrito ng NHA, habang ang ibang bahagi naman nito ay gagawing commercial area.

Ang orihinal na plano sa nasabing lugar ay tatayuan ng basketball court at multi- purpose hall. Sakasalukuyan, ang komunidad ng LRB ay mayroong 559 na pamilya ang nakatira sa komunidad. Halos humigit kumulang 2,000 na kabataan ang makikinabang sa mga palaruan at paglilibangan. Bukod pa rito, malaki rin ang pangangailangan ng komunidad sa mga parking area at multi-purpose hall na maaaring gamiting venue sa iba’t-ibang okayson gaya ng burol at malakihang pagpupulong.

Mga batang naglalaro sa sidewalk at hallway ng bawat gusaling pabahay dahil sa kawalan ng palaruan. Kuha ni: Jenilyn David

Matapos ang pagpapatyo ng gusaling ito, ang tanong naman ngayon ng marami ay kung saan na itatayo ang mga ito.

Sa  ngayon, may mga bata na naglalaro sa hallway ng bawat palapag ng mga gusali, kung kaya’t sila ay madalas na nasisigawan ng mga residente dahil sa ingay na naidudulot nila. Ang mga kabataan ay naglalaro rin ng basketball sa gitna ng kalsada, na nakasasagabal naman sa mga paparating na sasakyan. Naglalaro rin sila sa bangketa na dinadaanan ng mga tao, gayundin sa parking area na ginagawang tambayan at palaruan ang mga sasakyan. 

Iilan lamang ito sa mga reklamong inihahatid sa pamunuan ng APOAMF.

Pati na rin ang iba’t ibang mga okasyon gaya ng burol ay sa parking area ginaganap kung hindi man ay sa kalsada at mga hallway ng mga gusali. Ang paggamit sa mga kalsada bilang venue ay ipinagbabawal ng mga patakaran sa paninirahan. Tanong tuloy ng marami kungbakit hindi naisaalang-alang ang pagpapatayo ng mga multi-pupose hall at palaruan.

Kinukwestiyon din mga residente ang pagpapatayo ng gusali ng NHA na kung bakit daw ito nauna kaysa sa kanilang mga pangagailangan.


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.