Online selling, naging isa sa mga pinagkukuhaan ng kita ng mga kababaihan ng LRB sa pandemya

by Bojo Saclolo | September 23, 2021

Simula noong unang mag-enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso 2020, marami na sa mga taga-LRB ang nawalan ng trabaho o kita. Isa na rito si Jennyln Pernecita Castillo, kaya naman napagdesisyunan niyang sumabak sa online selling.

Siya ngayon ang may-ari ng Ava’s Pizza & Milk Tea na kanyang itinayo noong ika-5 ng Agosto 2021, at ibinebenta niya lamang ito online. Ngunit bago nito, ay naging online seller muna siya ng mga damit.

Kwento ni Castillo, una siyang nagbenta ng mga damit online noong 2018, at hindi raw biro ang pago-online selling sapagkat marami ang kailangan mong pagdaanan upang magkaroon ng mga mamimili. 

Minsan na rin daw siyang sumuko rito dahil sa kakulangan sa budget. Muli niya lang daw itong binalikan nang magsimula ang ECQ noong 2020 sa pagbebenta ng mga damit na hindi niya naisuot. 

Subalit, hindi ito naging madali dahil hindi maiiwasan na magkaroon ng madaming mga ka-kompetensya. Dito niya na sinimulang magplano at baguhin kung paano dumiskarte, kaya niya naisip na magbenta na lang ng pizza at milk tea online.

Ngunit muli nanamang ipinatupad ng gobyerno ang ECQ nitong Agosto 2020 upang malabanan ang Delta variant. Nagbukas ang bagong business ni Castillo ilang araw bago ang pangalawang ECQ. 

Laking-pasalamat ni Castillo na marami naman siyang natanggap na magagandang feedback mula sa kanyang mga customer, pati na rin sa kanyang mga pinagdaanan sa online selling dahil nakatulong ito sa pagpapatakbo niya ng negosyo sa gitna ng pandemya.

Panoorin ang video interview kay Castillo dito:


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.