Pagbuhos ng pondo sa edukasyon at dagdag-ayuda, ipinangako ni VP Leni sa PasigLaban Rally

by Alex Hector Camral | April 30, 2022

Ibinahagi ni presidential candidate vice president Leni Robredo ang mga magiging prayoridad ng kanyang administrasyon kung siya ang mananalo at maihalal bilang susunod na presidente ng Pilipinas sa PasigLaban Grand Rally sa Emerald Ave. noong ika-20 ng Marso 2022.

Una na rito ang pagbuhos ng pondo para sa edukasyon upang matiyak na walang bata ang maiiwan. Pangalawa ay ang dagdag-ayuda at pagbibigay muli ng trabaho mula mismo sa gobyerno para sa mga pamilyang nawalan ng hanapbuhay.

Nabanggit din ni VP Robredo ang pagsasaayos ng transportation system, at ang pagpapatayo ng bahay na mas malapit sa kabuhayan at oportunidad ng mga Pilipino.

Ang PasigLaban ay dinaluhan ng halos 127,000 na nagbibigay suporta kay VP Robredo para sa Halalan 2022.

(Ang litrato ay kuha ni: Bojo Saclolo)


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.