Ang “Panunuluyan” ay isang tradisyunal na pagsasadula ng paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at San Jose para ipanganak ng ligtas ang sanggol na si Hesus.
Katulad nina Birheng Maria at San Jose, lahat ng magulang ay umaasa na isilang ng ligtas at malusog ang kanilang mga anak. Subalit, mas mahirap na itong maisakatuparan dahil sa COVID-19 pandemic, lalong-lalo na sa mga urban poor community.
Sa dokumentaryong ito ng UPWARD-UP project noon Disyembre 2020, ibinida nito ang apat na mga babae na nasa urban poor communities at ang kanilang mga kwento ng panganganak sa gitna ng pandemya.
Ang mga mahihirap ay ang pinaka-apektado ng COVID-19 pandemic nang maging banta ito sa kanilang kabuhayan. Malaking isyu rin ang kakulangan nito sa maayos na pamamahay, lalo na’t sila ay nasa bansang nakakaranas ng mahigit 20 na bagyo taon-taon.
Sa pagpapakita nila sa kanilang araw-araw na hamon sa buhay ay nais nilang magbigay ng inspirasyon na katulad ng pag-asa at ligaya na ipinahihiwatig ng kapanangakan ni Hesus sa mga manonood.
Ang kanilang mga kwento ay inilabas din sa Rappler at sa Facebook page ng Urban Poor Associates.
Panoorin ang dokumentaryo rito: