by Noel Cabangin and Jill Fulguirinas | November 23, 2021 | De-Kalidad na Edukasyon
Share:
Nakapanayam namin ang ilang mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan upang malaman ang kanilang kaisipan bilang magaling na mag-aaral. Gumawa kami ng ilang mga katanungan upang maisagawa ang artikulong ito. Kami ay binigyan nila ng permiso na ibahagi ito para na rin magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan na nahihirapan sa pag-aaral ngayon.
JEFFREY GAYORGOR
Rizal Technological University, BS Psychology
Maraming bagay ang dapat na gawin bago maging isang magaling na mag-aaral. Pinaka importante ay may mga taong magbibigay ng motibasyon at nagbibigay halaga sayo upang makamit mo ito. Pinaka mahirap na pangyayari bilang isang magaling na mag-aaral ay pag may nagawang pagkakamali at magiging iba Ang tingin ng ibang tao sa iyo. Nagsimula ako maging isang magaling na mag-aaral simula pa lang nung Junior High School. Ngayon ay nag-aaral ako sa Rizal Technological University. Natutulungan din ako ng aking mga kamag aral sa pag-aaral ng mabuti.”
MIRA MARGARRETTE GALANG
Bulacan State University, BS Nursing
“Mga bagay na pinaka kailangan ko ay mga bagay na magagamit bilang isang nursing student. Sa pagkakaroon nito ay natutulungan akong matutunan nang mabuti ang aking kurso kahit na mayroong pandemic. Nahihirapan ako sa pag-aaral dahil minsan pag binabasa ko ang ilang modyul simula pa lang unang linggo bago ang aking pagsusulit, hindi ko lubos maisip kung tama ba ang aking mga nabasa. Nang dahil dun ay bumababa ang aking iskor sa pagsusulit. Nagsimula ako maging magaling na mag-aaral nito lamang taon. Ako ngayon ay nag-aaral sa Bulacan State University. Ang pinaka tumulong sakin upang makamit ang tulad ng nakamit ko ngayon ay ang Panginoong Diyos at ang aking magulang na laging nandyan para sakin.”
“Mga bagay na aking mga ginagamit ay mga kagamitan na kailangan ngayong online class. Pinaka mahirap na nangyayari sa akin ay ang palaging maging isang magaling na mag-aaral upang humanga sa akin ang aking mga magulang. Nagsimula ako maging isang magaling na mag-aaral simula noong Junior High School. Ang pinaka nakatulong sa akin upang makamit ko ang karangalan na ito ay ang aking pamilya. Binibigyan nila ako ng motibasyon lalo na ngayong pandemya.”
UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.