Women Livelihood Recovery Program ng APOAMF, naiaahon ang kabuhayan ng mga kababaihan

by Ivyrose Igup, Ma. Lyn Belgira, and Mica Tapel | November 03, 2021 | Walang Kahirapan

Share:

Lubos na nakatulong ang karagdagang puhunan na nagmula sa Women Livelihood Recovery Program ng LRB-APOAMF sa kabuhayan ng mga kababaihan sa komunidad. Ito ay ayon sa 41-taong gulang na fruit vendor na si Liena Bartolata, isa sa mga benepisaryo ng nasabing programa.

Ayon pa sa kanya, nagawa niyang dagdagan ang kanyang mga paninda at nasimulang ding makapag-ipon sa gitna ng pandemya. Isa ang negosyo ni Bartolata sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic nang napansin niyang kumonti ang dami ng kanyang mga mamimili. 

Ito ang naging dahilan upang ilunsad ng LRB-APOAMF ang Women Livelihood Program noong Nobyembre 2020, sa tulong ng international organization na Huairou Commission at ng non-government organization na Community Organizers Multiversity (COM). 

Ayon sa chairperson ng Livelihood Committee ng LRB-APOAMF na si Luzviminda Villaraza, ang programang ito ay may 2% na interes. Inoobliga rin nito ang mga kababaihan na mag-impok upang sila ay maging mashanda at masmatatag sa panahon ng pandemya. 

Isa nang regular na programa ng APOAMF ang Women Livelihood Recovery Program at patuloy itong tumatanggap ng mga benipisaryo na nangangailangan ng dagdag-puhunan para sa kanilang mga sariling negosyo.


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.