ULAP Women, magsasagawa ng community mapping

by Ivyrose Igup | July 23, 2022

Share:

Sinimulan na ng Ugnayan Lakas ng mga Apektadong Pamilya-Women (ULAP Women) ang talakayang magsagawa ng community mapping sa pangunguna ni APOAMF president Madeline Suarez noong ika-7 ng Hulyo, 2022.

Ang community mapping ay isang proseso kung saan nagsama-sama ang komunidad upang  maghanap ng datos/impormasyon at maunawaan ang mga isyung nakakaapekto sa kanila. 

Ito ay isasagawa ng mga naninirahan sa komunidad, na mismong nakakaranas ng mga isyung ikinakaharap nila. Mula dito, ay kakausapin na nila ang iba’t-iba bang mga miyembro ng komunidad upang mapakinggan lahat ng panig.

Pagkatapos, dito na silang magsisimulang manawagan, mag-organize, at makipagtulungan sa iba’t-ibang organisasyon upang malutasan ang mga isyu.

Ayon sa mga nakilahok, malaking bagay na pinag-uusapan ito para hindi malimutan at maaksyunan ang mga isyu ng komunidad. Isa lamang ito sa mga ginagawa ng APOAMF para rin sa komunidad.

(Kuha ni: Ivyrose Igup)


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.