Kilalanin ang mga bagong opisyales ng MALAYAPA

by Ivyrose Igup | February 14, 2022

Si Lerma San Juan ay ang inihalal na bagong presidente ng Mamamayan Ang Layunin Ay Pagkakaisa  Neighborhood Association (MALAYAPA), isang member organization ng APOAMF, noong ika-13 ng Pebrero.

Ito ay matapos nagbotohan ang 15 bagong council members para sa susunod na mga miyembro ng executive committee ng MALAYAPA. Ang mga parliamentary members naman ng asosasyon ang bumoto sa mga council members mula sa 23 na tumakbo.

Kabilang sa bagong-halal na executive committee members sina Henry Agua bilang bise presidente, Rea Bangay bilang sekretarya, Leyne Tolmo bilang treasurer, at Emelinda Ramirez bilang auditor.

Si Reynan Hernandez naman ang hinirang na chairman of the board, habang sina Julia Arguelles, Cecelien Balejado, Mary Angiely Batalla, Ma. Juliet Bautista, Regine Famorcan, John Lerson Mirando, Noel Padullon, Armando Pontilla, at Arceli Ycot ang naging mga bagong board members.

Ayon sa dating pangulo ng MALAYAPA na si Rosemarie Aquino, mahalaga na ang mga tao o miyembro ay sinisigurado na alam ang kahalagahan ng eleksyon sa samahan at paano sila dapat lumahok.

Caption (mula kaliwa hanggang kanan:) Emelinda Ramirez, Regine Famorcan, Leyne Tolmo, Noel Padullon, Armando Pontilla, Henry Aqua, John Lerson Mirando, Reynan Hernandez, Julieta Bautista, Cecelien Balejado, Rea Bangay, Lerma San Juan, Araceli Ycot, Mary Angiely Batalla.


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.