CO Multiversity, Urban Poor Associates at UPAC nag-organisa ng talakaya sa pagbabago ng klima
by Ivyrose Igup | September 03, 2022 | Kapayapaan, Katarungan, at Matatag na mga Institusyon
Share:
Inilunsad ng CO Multiversity, Urban Poor Associates at ng Urban Poor Action Committee (UPAC) ang “MaraliTalakayan sa Pagbabago ng Klima” noong ika-30 ng Agosto upang pag-usapan ang climate change at ang magiging epekto nito sa kanilang mga buhay.
Itinatalakay nito ang ang mga isyu sa lupa, pabahay at iba pang nauugnay na mga bagay na may epekto sa mga mararalitang komunidad ng lungsod. Ito ay dahil madalas silang nalalantad sa iba't ibang panganib ng climate change at pagkasira ng kapaligiran.
Dinaluhan at pinangunahan din ang talakayan nina Uro Tahup ng Institute for Climate & Sustainable Cities (ICSC), Atty. Mackie Maderazo ng IDEALS, Inc., Deputy Director ng PMPI Candy Hidalgo.
Sinimulan na rin ng UPAC na gumawa ng mga punto ng aksyon para sa komunidad, kabilang ang pag-oorganisa sa mga kabataan bilang malakas na pwersa na magsusulong ng climate justice, pagpapaigting ng climate change awareness, at pagpapalakas ng malalim na pagkakaunawa sa pangangalaga sa kalikasan.
UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.