Halos 20 na bahay sa Floodway, Pasig kakabitan na ng indibidwal metro ng kuryente
by Ivyrose Igup | August 27, 2022 | Kapayapaan, Katarungan, at Matatag na mga Institusyon
Share:
Nagsimula na ang City Engineering Department ng lungsod ng Pasig sa kanilang site inspection sa may Floodway Westbank Road noong ika-16 ng Agosto, 2022. Layunin nitong mabigyan ng permit ang halos 20 pamilya na makakabitan ng indibidwal na metro ng Meralco.
Ayon kay Lerma San Juan, presidente ng Mamamayan Ang Layunin Ay Pagkakaisa Neighborhood Association (MALAYAPA), marami sa mga nakatira sa Floodway ng Pasig ay sa mahabang panahon ng paninirahan ay naka-submeter o nakakikabit lamang sa mga kuntador ng kabitbahay na may sariling metro ng kuryente.
At dahil hindi raw madali ang mag-apply sa Meralco ng sariling metro para sa mga informal settlers, malaking bagay para sa kanila na ang Pasig LGU ang mas nakakaunawa sa kanilang kalagayan at gumagawa na ng aksyon.
Sa pagkakaroon ng indibidwal na metro ay mas ligtas na ang paggamit ng kuryente at malaki na rin ang matitipid sa kunsumo.
UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.