APOAMF, MALAYAPA at SAKADA nakapagpasa ng requirements para sa CSO’s Accreditation

by Ivyrose Igup | August 27, 2022

Share:

Nakapagpasa na ng mga requirements ang APOAMF, MALAYAPA at SAKADA para sa CSO’s Accreditation sa Lungsod ng Pasig noong ika-16 ng Agosto, 2022. 

Mahalaga ang accreditation na ito para makalahok sa mga special body representation ang mga samahan sa Lungsod ng Pasig. Alinsunod ito sa Section 108 ng Local Government Code ng 1991 (RA 7160) na para sa akreditasyon ng mga Samahan o ng mga Civil Society Organization (CSO’s).

Nilabas din naman noong June 15, 2022 ang Department of the Interior and Local Government-issued Memorandum Circular No. 2022-83 na patungkol naman sa proseso ng akreditasyon at pagpili ng mga representate sa mga Local Special Bodies.


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.