APOAMF nagsagawa ng mga building meeting para sa mga update at isyu ng komunidad

by Ivyrose Igup | June 27, 2022

Share:

Sa buwan ng June 2022 ay nagsagawa ng mga opisyales ng APOAMF ng mga building meeting na may layuning makakuha ng mga update at mga mamumungkahing solusyon sa mga problemang natuklasan ng mga member. 

Naging pangunahing agenda ng pagpupulong ay ang makakuha ng update sa usapin ng Condo Corporation at sewage treatment plant (STP), batayan ng Php280 monthly assessment fee, external audit, at ang pagsasaayos ng bubong at septic tank sa Phase 1. 

Pinag-usapan din ng mga miyembro ang status ng paglipat ng registration mula Securities and Exchange Commission (SEC) sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB). 

Kuha ni: Ivyrose Igup

“Ang building meeting ay isinasagawa upang higit na maunawaan ng mga member ang nasabing mga usapin at makuha ang mga opinion ay nais mangyari ng mga member,” sabi ni Madeline Saurez, ang presidente ng APOAMF.

Sa panahon ng pagkakasulat nito, natapos na ang mga meeting sa Building 8, 4, 6 at 7 at isusunod naman ang ang talakayan para sa mga Building 1,2, 3, 10 and 12.

Kuha ni: Ivyrose Igup

UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.