Mahigit 2,000 dumalo sa Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod bilang pagsuporta kay VP Leni

by Ivyrose Igup | March 18, 2022

Share:

Mahigit 2,000 sa mga urban poor ang lumahok sa taunang selebrasyon ng “Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod” habang inihayag ang kanilang pagsuporta kay presidential candidate Leni Robredo noong ika-15 ng Disyembre, taong 2021.

Nagsimula ito ng alas-otso ng umaga sa harapan ng Office of the Vice President, at tumulak hanggang sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao para dumalo sa sa isang misa na pinamunuan Fr. Robert Reyes.

Bukod sa pagbida ng pagsusuot ng kulay pink, ay nagbitbit rin sila ng mga parol kung saan nakasaad ang kahilingan ng mga mararalita. Ilan sa mga ito ay disente, permanenteng at abot-kayang pabahay, kasiguraduhan sa hanapbuhay at trabaho, at maayos na gobyerno para sa taong 2022. 

May isa ring sasakyan na dala-dala sina Maria at Jose, at isang malaking parol na sumisimbolo sa pag-asa.

Sabi ng presidente ng APOAMF na si Madeline Suarez, isa ang samahan ng APOAMF sa mga lumalahok taon-taon sa mga gawaing ito. Dagdag pa niya, bahagi na ito ng kanilang commitment na ipahayag sa gobyerno at sa madla ang iba’t-ibang isyu na pinag-dadaanan ng mga mahihirap, lalo na sa usapin ng permanenteng tahanan. 

Sabi rin ni Suarez na espesyal ang Panunuluyan ngayong taon dahil ipinakita rin ng mga maralita ang kanilang matinding pagnanais para sa isang gobyernong tapat, maayos at nauunawan ang problema nila. Ginawa na rin ito bilang pagsuporta kay bise presidente Leni Robredo sa kanyang pagtakbo bilang susunod na presidente ng bansa.


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.