Proyektong iRehistro, nakapagparehistro ng 243 na mga bagong botante sa LRB

by Jenilyn David, Madeline Suarez and Yuri Cailo | October 30, 2021

Share:

Sa paghahanda para sa 2022 Presidential Elections, ang proyektong iRehistro na inilunsad ng APOAMF ay nakakuha ng 243 na mga bagong botante sa katapusan ng Septyembre, kung saan 99% ng mga ito ay binubuo ng mga kabataan.

Ayon sa pamunuan ng APOAMF, mahigit 400 na indibidwal ang kailangang magpa-rehistro sa Commission on Elections (COMELEC), kung kaya’t humiling sila sa ahensya na magtayo ng on-site na voter registration sa loob ng LRB.

Ala-una pa lang ng madaling araw ay makikita nang nakapila ang mga magpaparehistro para sa sususnod na eleksyon.

Katuwang ng APOAMF ang mga non-government organization na C.O. Multiversity at InCite Gov, sinimulan ang pag-uusap at oryentasyon noong unang linggo ng Hulyo 2021. 

Ani rin nila, 60% ng mga kabataan ng LRB ay nakilahok din sa proyekto. Para sa kanila, ang kanilang pagpupursige ay hindi lamang para tugunan ang kanilang karapatan at responsibilidad na bumoto, kundi para makapamili sila ng mga matitinong lingkod bayan na magtataguyod sa kanilang kinabukasan.


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.