APOAMF, isinagawa ang 37th "Kalbaryo ng Maralitang Tagalungsod"

by Ivyrose Igup | May 06, 2022

Isinagawa ng APOAMF ang kanilang taunang "Kalbaryo ng Maralitang Tagalungsod" kung saan isinasaalala ang mga paghihirap na dinanas ni Hesukristo nang ipinako siya sa krus noong ika-12 ng Abril sa LRB.

Sa ika-37 na taon na isinagawa ito, nakapokus sila sa temang “Wakasan ang Kalbaryo ng mga Maralita, Iluklok ang Tunay na Pag-asa”. Dito raw nila ginagawa ang pagsasabuhay ng mga mararalita pagiging simbolo nila sa pagbuhat sa Krus ng kahirapan, kawalan ng lupa at tahanan, at sapat na trabaho o hanapbuhay para sa lahat.

Nagsimula ang programa ng 9:30 ng umaga sa pagbabasa ng Station of the Cross, paglalahad ng mga isyu, at pagdarasal sa mga mararalita. Isinagawa din ito sa sa pamamagitan ng mga tula, awit at dula. 

Parte rin ng programa ang “Pagsalubong sa Krus ng Pag-asa”, na may pink na tela. Simbolo na rin ito ng kanilang suporta sa pagtakbo ni bise presidente Leni Robredo sa pagkapangulo ngayong darating na halalan. Ang programa ay nagtapos sa pagbibigay o pagsasaad ng mga kahilingan ng mga dumalo sa Krus ng Pag-asa. 

Ayon sa APOAMF lider na si Noel Cabangin, ang Kalbaryo ng mga Mararalita ngayong taon ay punong-puno ng pag-aasa sa kabila ng mga nararansan paghihirap, lalo na sa usapin ng kahirapan dulot ng pandemya, kawalan ng permanente at ligtas na pabahay. 

Dagdag pa niya, mawawakasan lang daw ito sa pagluklok ng tunay na Lingkod Bayan na magsisilbi at poprotektahan ang interes ng mga mararalita. Ito raw ang nakikita niya kina bise presidente Leni Robredo, senador Kiko Pangilinan, at Pasig City Mayor Vico Sotto.

(Mga litrato ay kuha ni Ivyrose Igup)


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.