APOAMF Youth, dumalo sa youth forum ng SIPAG Organization

by Bojo Saclolo | February 14, 2022

Pagiging tunay na lider at ang kahalagahan nito ang naging punong usapin ng youth forum na inorganisa ng non-government organization Simula ng Pag-asa (SIPAG), na dinaluhan ng mga miyembro ng APOAMF Youth noong ika-12 ng Pebrero sa Baranggay Kapitolyo, lungsod ng Pasig.

Sa pangunguna ng beauty queen na si Venus Raj, sumusunod ito sa temang “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” na isa sa mga sikat na linya na nasabi ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Nakipagtulungan ang SIPAG sa Sangguniang Kabataan (SK) upang imbitahin ang iba’t-ibang mga youth organization na dumalo para mapakinggang ang kanilang mga boses.

Ayon sa mga nakilahok, naging matagumpay ang paglalahad ng mga ideya sa mga kabataan at marami silang natutunan sa pagiging isang lider. Masarap din daw sa pakiramdam na dumalo sa mga ganitong kaganapan dahil na rin sa mga pagkakataong makakilala ng iba pang mga kabataan na naghahangad ng pagbabago para sa bansa. Naging pagkakataon din daw ito upang masaksihan at matuto mula sa mga halimbawang ginagawa ng pagiging lider ng bawat komunidad.

(Ang litrato ay kuha ni: Bojo Saclolo)


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.