Covenant ng mga Maralita pinirmahan ng APOAMF, VP Leni, at ULAP Confed

by Ivyrose Igup | February 14, 2022

Inilagda ng APOAMF, bise presidente Leni Robredo, at ang ibang mga miyembro ng ULAP Confed-Samahang Pantao ang “Covenant ng mga Maralita at ni Leni Robredo at Kiko Pangilinan” noong ika-31 ng Enero sa Leni-Kiko Volunteer Center sa Katipunan, Quezon City.

Ang covenant ay inisyatibo ng ULAP Confed-Samahang Pantao na nakapokus sa pagbangon at pagbibigay ng mga maayos na pabahay sa mga mahihirap. Una itong pinirmahan ng mga member organization ng ULAP, kabilang ang APOAMF, bago ito ilahad at papirmahan kay Robredo.

Isa sa ULAP Confed-Samahang Pantao sa maraming mga organisasyo na lumagda rin sa Covenant.

Si Robredo ay isa sa mga tumatakbo na maging sususnod na presidente na bansa, habang si senador Kiko Pangilinan ay ang kanyang running mate na tumatakbo naman sa pagka-bise presidente. Sinusuportahan ng ULAP-Confed ang tandem na ito sa Halalan 2022.

Ayon sa presidente ng ULAP-Confed na si Jonjon Elago, naniniwala silang si Robredo ang pinuno na magbabalik sa karangalan sa Pilipinas at sa mga Pilipino.

“Gusto namin ng leader na marunong makinig at naniniwala sa aming kakayanang magtaguyod saming sarili, at kinikilala ang aming pakikilahok sa mga pagpapasya na may kinalaman sa kung ano mas makakabuti para sa amin dahil bahagi kami ng isang bansang malaya,” ani ni Elago.

Bago pa man ang pirmahan, ibinahagi at pinangunahan nina Noel Cabangin, Dave David at Jenilyn David ang talakayan sa mga miyembro ng APOAMF ang mga nilalaman ng covenant.

Narito ang mga nakasaad sa covenant:


UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.